Ang Ubuntu Linux ay isang kumpletong open source operating system na gawa mula sa Linux kernel. Ang komunidad ng Ubuntu ay pinagmumulan ng mga taga-buo ng software, mga tagapagsaling-wika, mga mamamayang interesadong mag-sulat ng kasulatang pang software, at higit sa lahat, mga tao na gumagamit ng Ubuntu sa pang araw-araw nilang gawain. Inaanyayahan namin kayo na sumali sa komunidad na ito at tulungan ang paglago ng Ubuntu bilang piling operating system ng inyong pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan sa trabaho. Tumulong sa pagsalin ng Ubuntu sa sarili ninyong wika, subukan sa mga bagong laptops, servers at iba pang makabagong kagamitan, pagbutihin ang web site sa pag ambag ng mga mungkahi, tips at FAQs (mga kadalasang tanong), o kaya ay tumulong sa paghubog ng koleksiyon ng software na maaring isama sa susunod na labas ng Ubuntu.
Ang komunidad ng Ubuntu ay nagmula sa mga kuru-kurong na-idambana sa Manipesto ng Ubuntu: na ang software ay dapat magamit ng walang takdang kabayaran, na ang mga kagamitang pang software ay maaring gamitin ng mga tao sa sarili nilang wika at sa kabila ng kawalang-lakas, na ang mga tao ay may laya na baguhin ang kanilang software sa tigin nila ay nararapat. Sa mga kadahilanang:
Ang Ubuntu ay laging walang takdang kabayaran, at walang karagdagang bayad sa "enterprise edition," alay namin sa lahat ang aming pinakamahusay na likha ng walang bayad na kapalit.
Kasama sa Ubuntu ang pinakamahusay na pagsasaling-wika at matatag na inprastraktura na alay ng komunidad ng Free Software na naglalayong magamit ang Ubuntu ng mas nakararami.
Ang Ubuntu ay laging may bagong labas kada anim na buwan. Maari mong gamitin ang pangkasalukuyang labas na matatag (stable) o di kaya ang pangkasalukuyang labas na pinakabago (development). Lahat ng mga labas ng Ubuntu ay suportado hanggang labing walong buwan.
Ang Ubuntu ay buong loob na naniniwala sa mga prinsipyo sa pag-buo ng open source software; inaanyayahan namin ang lahat na gumamit ng open source software, ipagbuti ito, at ipamahagi sa iba.
Alamin ang iba pang impormasyon sa http://www.ubuntulinux.org/ o kaya ay bumista sa mga sumusunod:
Ang Ubuntu Mailing Lists, kung saan ang komunidad ay laging may palitan ng mga kuru-kuro at mga isyu ukol sa Ubuntu.
Ang Ubuntu Wiki, na kung saan kami ay nagtutulong-tulong ukol sa mga patakaran at estratehiya na magtatakda ng direksiyon na tatahakin ng Ubuntu.
Makipag-palit ng kuru-kuro kasama ng ibang miyembro ng komunidad sa Freenode IRC Channel: #ubuntu .
Gamitin ang lokal na on line help ng Ubuntu sa pag-click ng life preserver icon sa itaas na panel ng inyong desktop.
Ang Ubuntu Documentation Web Site.
Gamit ng Ubuntu ang "Linux" kernel, ang software na nagtakda ng pagtanggap ng paggamit ng open source software sa buong mundo. Alamin ang tungkol sa Linux sa Linux.org.
Maraming mga GNU/Linux na distribusyon (tulad ng Redhat, SuSE, Debian, Mandrake), ngunit ang Ubuntu ay bukod-tangi at naiibang distribusyon.
Gawa mula sa matibay at makabagong pundasyon ng Debian, nais ng koponan ng Ubuntu na gumawa ng distribution na magbibigay ng bago at ugma na sistemang GNU/Linux na pang desktop at server computing. Kasama sa Ubuntu ang ilang piling packages na galing sa Debian distribution base sa makapangyarihang "APT" na sistemang pang-package management. Maaring gawin sa APT ang madaling pag-install at malinis na pagtanggal ng mga programs, at kusang pagkuha ng mga ekstrang packages na kinakailangan pa. Di tulad ng ibang distribution na nagdadala ng napakaraming software packages, ang mga packages na kasama sa Ubuntu ay pili ngunit importante. (Kung nanaisin mo, maari mong piliin ang buong listahan ng mga packages,o dili kaya ay limitahan ang sarili sa mga kinakailangan mo lamang.)
Sa pag pokus ng kahusayan, gawa ng Ubuntu ang malusog at natatanging kapaligiran sa laragan ng computing na maaring gamitin sa bahay at sa trabaho. Ang proyekto ay nakapaglalabas ng mga bagong labas kada anim na buwan kasama ang mga makabago at pinakamagandang software. Ang Ubuntu ay may mga bersiyon na pang i386 (Pentium CPUs / mga PC na kapareha ng IBM), AMD-64 (Hammer) at PowerPC (iBook/Powerbook, G4 at G5) na arkitektura.
Ang sadyang kapaligiran sa desktop ng Ubuntu ay ang GNOME, isang pangunahing Unix at Linux desktop suite at development platform.
Ang isa pang pangunahing Unix at Linux desktop ay ang KDE. Hindi kasama sa Ubuntu ang KDE desktop sa simula. Ang proyekto ay kasalukuyang kulang sa kakayahang panatilihin ang KDE at GNOME desktops sa mataas na uri ng kalidad. Ngunit maari mong makuha lahat ng mga KDE packages na kailangan mo sa universe component ng Ubuntu. Sa hinaharap, ang mga gumagamit ng Ubuntu ay magkakaroon ng kakayahang makapili ng desktop na ninanais. Ang trabahong ito ay kasalukuyang hawak ng Kubuntu team.
Kasama sa Ubuntu ang natatanging Productivity Software suite na pang negosyo, ang OpenOffice.org. Kasama dito ang word processor, spreadsheet at presentation software na kaugma ng iba pang software na gamit pang trabaho. Alamin ang iba pang mga impormasyon tungkol sa proyektong OpenOffice.org sa OpenOffice.org